Patakaran sa Privacy
Ito ang totoong ginagawa namin sa datos - nasa simpleng Tagalog, hindi legal-eze. Kung may hindi malinaw, itanong mo kay Kabayan.
Walang account, walang tracking cookie
- Hindi kailangan ng pangalan, email o password para magtanong.
- Walang tracking cookie at walang Google Analytics. Ang tanging nasa browser mo ay isang random na
session id sa
sessionStorage- nawawala ito pag sinara mo ang tab o browser. - Hindi namin ibinebenta o ipinapahiram ang datos kaninuman.
Anong datos ang nakukuha namin kapag nagtanong ka
- Ang tanong mo mismo at ang sagot.
- Teknikal na datos ng request: IP address, uri ng browser, at ang link na pinanggalingan mo.
- Mula sa Cloudflare: bansa at lungsod ng koneksyon (hindi eksaktong address) - ito ang nakikita naming bilang sa admin na "Analytics".
- Bilang ng tanong kada oras at kung naipasa ang bot check.
Nakatala ito sa chatlog.jsonl sa mini PC namin at kusang nabubura pagkalipas ng 30
araw. Ang pinakamadalas na tanong (hindi ang IP) ang ginagamit namin para malaman kung anong gabay
ang kailangan pang isulat.
Ipapasa ba sa iba ang tanong?
- Oo, para masagot ito. Ipinapadala ang tanong mo - kasama ang mga kaugnay na bahagi ng aming knowledge base - sa isa sa mga AI provider: DeepSeek, Groq, o Google Gemini, kung alin ang tumatakbo. May sariling patakaran sa privacy ang bawat provider; hindi namin kontrolado ang panig nila.
- Ang paghahanap sa aming KB (embeddings at Qdrant) ay nangyayari sa mini PC - hindi lumalabas.
- Ang bot check ay Cloudflare Turnstile (challenges.cloudflare.com).
- Ang mga gabay, ang madalas itanong at ang pahinang ito ay nasa Cloudflare Pages (static, buhay kahit OFF ang mini PC).
Ang boto (👍/👎) at ang dahilan
Kapag pinindot mo ang boto, itinatala namin ang boto - at ang dahilan kung nagbigay ka (opsyonal ito). Hindi ito nakaugnay sa pangalan mo; hindi namin alam kung sino ka. Ginagamit namin ito para ayusin ang mga sagot na mali o kulang.
Ang maipapasang link ng sagot (/s/<id>)
Nabubuhay ito ng 30 araw at hindi naka-index sa Google o anumang search engine. Pero tandaan: sinumang may link ay makikita ito, kasama ang aming admin. Kaya huwag maglagay ng sensitibong numero (passport, visa, bank, credit card) sa tanong - puwede kasing maipasa ang link.
Ang sponsor at contact form
Ang ipapadala mo roon (pangalan, email, telepono, website, mensahe) ay nakatala sa mini PC at ipinapadala sa aming Telegram upang makausap ka namin. Hindi ka namin i-eemail ng marketing na hindi mo hiniling.
Ang hangganan ng aming payo
Ang sagot ay pangkalahatan at galing sa official sources, na may link na puwede mong i-verify. Hindi ito personal, legal, migration, tax o medical na payo - at ang AI ay puwedeng magkamali. Para sa personal na kaso, kumonsulta sa registered migration agent (MARA), accountant o abogado.
Kung gusto mong burahin ang isinumite mo
Puwede kang magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng form sa Sponsor at hahanapin namin ang tanong o mensaheng iyon sa pamamagitan ng oras at ng teksto. Hindi namin ito mahahanap gamit ang IP dahil hindi namin ginagamit ang IP para makilala ang sinuman.