Who can help with your visa application - Home Affairs
Itanong ito kay KabayanWho can help with your visa application
Hindi puwede ang kahit sino na tumulong sa isang visa application. Ang ganitong tulong ay tinatawag na immigration assistance.
Ano ang immigration assistance
Ang immigration assistance ay kapag ginagamit ng isang tao ang kaalaman niya, o karanasan niya, sa migration procedure para tumulong sa visa application o iba pang usapin sa visa, sa pamamagitan ng:
- paghahanda, o pagtulong maghanda, ng visa application o ibang dokumento
- pagpapayo tungkol sa visa application o usapin sa visa
- pagrerepresenta sa, o paghahanda para sa, proceedings sa harap ng court o review authority na may kinalaman sa usapin sa visa.
Sino ang puwedeng i-appoint mo
Kung mag-a-appoint ka ng taong magbibigay sa iyo ng immigration assistance, kailangang isa siya sa:
- isang registered migration agent
- isang legal practitioner
- isang exempt person.
Puwedeng i-check sa MARA ang registration ng isang registered agent. Ang sinumang iba na nag-aalok ng migration advice tungkol sa visa application ay labas na sa batas.
May follow-up ka? Itanong mo kay Kabayan